Hayst. Sa lahat talaga ng gawain diyan ako mahina. Hindi ko alam kung ano yung uunahin lalo na kapag sabay yung schedules na pupuntahan ko, kaya naman ay napakadaming gawain, may gala yung magkaiba mong kaibigan tapos same date, same time. Mga ganun. Kahit ano kasing pilit ko hindi talaga ako makapag-focus kapag sabay-sabay nangyayare, hindi ko alam kung saan ba dapat ako, kung ano ba dapat ang mas dapat unahin, kung ano yung mas mahalaga. Nakakalungkot mang isipin pero ayun e, nagkakasabog-sabog agad yung utak ko kapag ang dami kong iniisip. Minsan tuloy parang nagma-malfunction na yung mismong ako e.
Hayst. Ok nai-3m0h34Tsz ako ngayon. WHAT Haha. De, seryoso na. Ano, umh, oo gusto ko talagang magkaroon ng pagkakataon na kalimutan siya at magkaroon ulit ng bagong memories, yung back to zero. Siyempre hindi maiiwasan yung tampuhan, away, sumpaan WHAT, yung mga ganun pero sana kung magkakaroon man kami nun sana yung hindi aabot sa isuklam na namin ang isa’t-isa. At siyempre kapag nangyari yun mas iingatan ko na yung kung ano man ang meron kami.
mukhang inosente
yun pala peke
akala mo iba sa ibang lalake
kung kani-kanino pala
kumikere
Hindi dahil sa baka ma-answer privately ako or baka i-trash ako kung hindi ay baka hindi nila ako mapansin. Huehue. Sa dami ba naman kasi siguro ng mga kaibigan na nila dito siyempte sino ba naman ako na i-prioritize nila diba? So ayun, waa, atsaka hindi talaga ako marunong mag-umpisa ng conversation e.
Ang lakas maka-ate/kuya ng iba pero sila naman pala yung mas matanda. Nakakainis talaga e. Lahat na lang sila ina-ate ako tapos malalaman ko na lang mas matatanda pa sila sa akin, ang kakapal ng mukha. Haha. Feeling bata lang? Che. Ayoko talagang ina-ate kung mas mukha pang matanda yung naga-ate sa akin, ge.
Ang isa sa pinaka-komplikadong relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Ang hirap kasi i-determine kung ano talaga kayo. Masaya ka naman na kaibigan mo siya pero iba, iba yung gusto mo, yung mas angat pa sa pagiging magkaibigan. Pero ayun, sabi niya hanggang ganyan na lang daw muna kasi nga ayaw niya ng kahit anong commitments.
Nagmamahalan kayo pero hindi kayo. Mahirap. Mahirap kasi walang assurance na ikaw lang talaga. Kung magkaroon man siya ng ibang mahal, ayun, maiiwan ka lang sa ere kasi nga hindi kayo, wala kang karapatan sa kanya at ganun din siya sa’yo.
Ang hirap diba? Ang hirap kasi alam mong may masisira alin man sa dalawa ang piliin mo. Ang hirap kasi naiipit ka na. Ang hirap kasi kailangan mong mamili. Pero kahit anong hirap pa yan dapat mas isipin mo kung ano ang tama at kung ano yung dapat. Hindi pwedeng maging tama ang isang bagay kung pabor lang ito sa’yo dapat ito ay pabor sa nakakarami. So ano? Magsisinungaling ka ba o sisirain mo yung pangakong sinabi mo?
Mamamatay-tao talaga ako e. Kaya matakot ka na sa akin. Haha. De, ano pumapatay ako ng tao sa isipan ko, pero joke lang yung tao, yung kasalanan niya talaga yung pinapatay ko. Kapag kasi sinasabi ko na “Mamatay ka na *insertnamehere*” gumagaan yung loob ko.

